4.17.2007,7:35 PM
Meoooowwwww!!!!
Yezzz...
Nandito na ang Tita1 ng Familia Di-Magiba.

Yepz, that's me..

Ako ang Tita Demonyita ng Buong Familia Di-Magiba.


Ang Pinakamagandang kapatid ni Itay.

O bakit? Me problema??

Nyets.. Akala ko meron e.. Syempre habang maaga e nililinaw ko lang!

Ayoko muna ng me kokontra ng ganto kaaga.. jusko.. utang na loob lang..

ngayon lang ako sumulpot at nagpakilala dito.. baka pwedeng manahimik muna kung sino man ang walang sasabihing maganda .. intiendes?

Good.

Anyhoo, pipilitin ko munang magpakabait dahil syempre, ngayon lang ako sumulpot dito.

Yepz Meron pa din naman akong naitatagong kabutihan.. kahit kaplastikan lang.. hehehe..

Naku, kung alam nyo lang, mahiyain din kasi talaga ako.. at wala nakong

mukhang maiharap kila Itay, Inay at Ate dahil para nakong kabuti na lulubog, lilitaw.

(tama nga ba yun? kabuti ba o palitaw?)

At Kung di lang sa nuknukan ng kulit kong pamangkin, baka tuluyan na nila kong di mahagilap.

(I love you Ate! At syempre pati din si Kuya)

Pero teka, teka teka..

Bago magsaya ang mga nuknukan ng chizmoza at pakialamera dyan..
( apektado kayo? Howeno naman ngayon?)

E lilinawin ko lang po muna ulit.. Masyado lang ako bisibisihan sa trabaho kaya medyo "invisible" ang beauty ko dito..

Wiz naman kasi ako tulad ng iba dyan na masyadong pinagkakaabalahan ang mga walang kwentang bagay at di naman pagkakaperahan.. ( O, mga chizmozas..apektado nnman kayo??? )


Kaya wag muna magpiyesta.

Mabilis ang radar ko at Mahaba ang latigo ko.

Aba.. Hindi purket bihira nyo lang masilayan ang kademonyahan at kagandahan ko dito. .. e free na kayo pakialaman ang bawat miyembro ng Familia Di-Magiba.

Pwes.. AKALA NYO LANG YUN!!!

Naku.. bago pa magderederecho nanaman tong bibig ko.. e magpapalam na
muna ako at Malapit na pala ang oras ng duty.

Ooops.. erase! erase! erase! muna yan. Tama na nga muna ang kaplastikan! Jusko.. di pala ganun kadali!!

Pero mga dearies. Wag nyo naman isipin na ganun ka bad ang Tita Demonyita nyo.

Slight lang no! Baka mamaya e puro mura ang abutin ko sa mga comments nyo! Nyetters! Subukan nyo lang!

Actually, mabait nman ako e.. kahit itanong nya pa sa Itay, Inay, at sa mga pasaway kong pamangkinz.. Mapagbigay din ako, matulungin... and super sweet..

Iritable lang ako sa mga F na F. Dun sa mga sobrang magfeeling..di naman kagandahan.. getz? Mas lalo naman dun sa mga walang magawang maganda sa life nila kungdi mangusisa at makielam sa buhay ng iba. Ewan ko ba nman kasi.. di naman pinagkakaperahan.. kelngan tlga nilang magexert ng effort.. ano ba yun? Goodness! Dala ba ng inggit yun?

Ah ewan! Kahayblad!!!!

Nyets!!! Time's Up na pala..

Kayod na muna ako mga dears. MWAHS sa lahat ng friendly friends ng Familia

Di-Magiba.. Sa friendly friends namin.. (o yan a.. feeling close nadin ako senyo.. )

At dun naman sa mga pasaway na pilit na sumisira sa Buena de Familia.. Lalo na kay Itay at kay Inay, na tulad kong saksakan ng ganda..

Mga paksyet kayo! Bwehehehe!

Try me!

Dont Hate Us Coz We're HOT! We're Oh So HOT coz Y'all are Damn NOT!

PS:

I did try to be nice naman di ba? I shall return!! Bwahahahaha!!!!!
 
posted by TitaD'Magiba
Permalink ¤